Ito naman parang tanga
Sulat ng sulat, wala
namang mapala
Nipis na ang notebook sa
kakapunit
Di mahanap tamang bigkas,
ng pusong umiinit.
Di ko masabi sayo, kaya’t
ito susulatin na lang
Walang lakas na loob
sabihin ng harap-harapan
Nais kong aminin sayo pero
ayoko
Baka iwasan, kaya hanggang
parinig na lang.
Parati kitang tinititigan
Mula ulo hanggang
kalingkingan
Paborito mo inaalam ko
Parang lahat gusto ko nang
isaulo.
Matagal na tayong
magkaibigan
Pero ngayon ko lang to
naramdaman
Makasama ka, araw ay buo
na
Lalo na kapag nakausap,
pusong ito kinikilig pa
Pilit man ibaling ang
tingin sa iba
Hindi ko talaga kaya
Tanga man ako
Manhid ka naman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento