For your Information and mga tula at lathalain na naipaskil ko dito ay mga gawa ko pa last year. Ibig sabihin 3rd year highschool pa po ako. Sorry sa wrong grammar o spelling man. Iba kasi dito ay history na, matagal ng nakalimutan o dapat na talagang kalimutan.
Alam kong lahat tayo merong moment na kung babalikan natin ay iisipin natin sa sarili natin bakit ko iyon nagawa? o tatawanan natin ang mga sarili natin sabay sabing ang tanga tanga ko dati. Ito yung mga moments na para kang nasa langit. Sobrang sayaaaaa. Pero bigla ka namang mahuhulog at lalagpak sa lupa.
Pero kahit anong mangyari dapat smile ka lang lagi. Sabi nga nila huwag magsimangot kasi di mo alam kung sino ang mabibighani o maiinlab sa smile mo! Naaaakkkkkkssss, corny no?
Laging tandaan ang buhay ay parang goma. Minsan nasa itaas tayo at nakakaranas ng tinatawag nilang cloud 9 pero laging tandaan ang goma ay umiikot. Hindi magtatagal ikaw ay nasa ibaba rin. Appreciate mo ang mga taong tunay na nagmamahal sayo. Be contented because according to my friend julia "You never really do realize what you have till it's gone......
About Me
Miyerkules, Nobyembre 21, 2012
Miyerkules, Nobyembre 14, 2012
PINKYLICIOUS MASK
As I walked in the school
campus wearing my pink gown matched with my pink mask I felt proud
and confident. It really matched my gown with white wings, silver
wand and white heels. Everyone who did saw it really liked it. And
being the owner of the gorgeous sexy pinkylicious mask I am very
happy to wear I and show it to everybody.
They say pink is gay. I
really don’t care if it’s gay. All I know is it makes me calm
every time I watch it. I designed it with silver dust to emphasize
the beauty of the background. It is not just a simple mask surrounded
by silver dust but it is really outlined with a really cool design.
It has beads hanging under it making it more elegant.
When
I asked a friend what the color pink means to him he answered “a
girl “. Another friend mentioned “strawberry”. The other said
“cute”. But whatever it means to someone, for me pink will be
forever the color of universal love. It is a quiet color. Lovers of
beauty favour pink. A pink carnation means “I will never forget
you”.
We always notice Red,
Green, Violet and etc. but why not PINK? Even if it is for gay I
don’t care because for today pink is my color of the day.
Martes, Nobyembre 13, 2012
UNOS
Hindi ko pa rin mapigil ang pagbuhos
ng malakas na ulan. Ano’t sa kabila ng mga nagdaang bagyo ay hindi
pa rin maiwaglit ng langit ang kalupitang ginawa. Marahil ikaw ay
pagsubok na hindi na kailanman mabubura kahit pa ilang milya ang
lakbayin ng mga paang sabik sa paroroonan.
Minsan pinilit kong tapakan ng
makahiya kahit ang talampaka’y nagdurugo sa tusok ng mga tinik
nito. Minsan pinilit patayin ang pag-asang uusbong na may isang tulad
mo na babalik at magsasabog ng makikinang na bituin. Minsan ginamit
kong sandata ang pag-ibig na nabuo upang takasan ang masakit na
katotohanang wala ka na at kahit ilang bukas pa ang dumating… kahit
ilang araw pa ang sumikat sa umaga… kahit ilang takipsilim ang
dumating… ay wala ng sasalo sa tumutulong luha na walang karapatang
pumatak.
Siguro’y mali ako. Siguro’y hindi
ka nararapat sa akin, o ako man sa iyo. Siguro’y sadyang walang
kislap ang nabuo nating lampara. Siguro’y sadyang hindi makayang
liwanagan ang daan upang sa dako pa roon ay magbunga ng ligayang
inaasam kahit noong wala ka pa. At ngayon nga’y wala ka na. Ano pa
ba ang silbi ng paggawa ng mga istoryang hindi mo naman mababasa. Ano
pa ba ang kahulugan ng buhay kung sa huli’y magwawakas ding tulad
ng mga punong natutuyo sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ano pa
ba ang dahilan at humihinga pa rin…
“ Hindi lang sa kanya, natatapos ang
kabanata ng buhay mo”, sabi nga mga kaibigan ko. “Hindi lang ikaw
ang marunong umibig sa mundo, sadyang hindi lang talaga kayo para sa
isa’t-isa. Kung gayon isang kahangalan ang matutunan ang tunay na
kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng isang taong hindi naman pala
para sa iyo. Isang kalokohan ang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa
isang taong pagkatapos ng lahat ay lilisan at iiwanan kang luhaan.
Naramdaman kong kay sarap tumawa sa
mga panahong wala kang dahilan para gawin ito. Napatunayan kong
kaysarap lumipad kapag ang isa mong pakpak ay may bagong hilom na
sugat na dulot ng huli mong pagkawala at pagdusa. Naisip kong kaya ko
palang mabuhay na walang tinapay at tubig kung may katalinuhang
taglay. Naisip kong “hindi pala ikaw ang tunay na kahulugan ng
buhay”.
Hindi ko
mapigilan ang ulan. Marahil masyadong makitid at makipot ang aking
mga palad upang saluin ang pagkabasa ng mundo. O ang pait. O ang
pagkamatay ng aking damdamin. O ang paglaho ng aking pagmamahal. O
ang sinag ng buwan, O ang simoy ng hangin. O ang mga unos na parating
pa lamang.
SISTERS
One plus one
equals two you see
But somehow
it's different with you and me
When we're
together we share one mind
A happier
pair you'll never find
I'm only
complete when you are near
To lose you
someday is my biggest fear
You know my
dreams and my every thought
No stronger
bond could ever be sought
We have a lot
in common it's true
But who'd
have thought, who ever knew
Twins we're
not, so we don’t have mental telepathy
But I'm not
complete unless you're with me
More than
friends, I can't explain it all
With you as
my sister I feel 10 feet tall
As sisters
and friends we're quite a pair
One soul, one
mind is what we share
You make my
world a better place
I live each
day to see your face
It takes two
halves to make a whole
My heart and
yours we make one soul.
Dedicated to: Aura Daraug
Dedicated to: Aura Daraug
Sabado, Nobyembre 10, 2012
SI TANGA AT SI MANHID
Ito naman parang tanga
Sulat ng sulat, wala
namang mapala
Nipis na ang notebook sa
kakapunit
Di mahanap tamang bigkas,
ng pusong umiinit.
Di ko masabi sayo, kaya’t
ito susulatin na lang
Walang lakas na loob
sabihin ng harap-harapan
Nais kong aminin sayo pero
ayoko
Baka iwasan, kaya hanggang
parinig na lang.
Parati kitang tinititigan
Mula ulo hanggang
kalingkingan
Paborito mo inaalam ko
Parang lahat gusto ko nang
isaulo.
Matagal na tayong
magkaibigan
Pero ngayon ko lang to
naramdaman
Makasama ka, araw ay buo
na
Lalo na kapag nakausap,
pusong ito kinikilig pa
Pilit man ibaling ang
tingin sa iba
Hindi ko talaga kaya
Tanga man ako
Manhid ka naman.
WHAT IS HIGHSCHOOL?
Educational Tour |
Halloween's Day |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)